If you truly love someone, don’t let go, fight for it! Di mo makukuha kung ano talagang gusto mo kung let go ka ng let go.
Ewan ko ba pero sa tuwing nasa mahabang biyahe ako, dun ako nakakaisip ng mga random thoughts and ideas about life and love. Sa jeep ako nakakabuo ng mga meaningful thoughts na masarap gawan ng istorya. Sana minsan makapag sulat ako sa jeep at matapos ko yun dun. Haha wala lang. =))
So ayun, balik tayo dun sa title.
“If you truly love someone, don’t let go, fight for it! Di mo makukuha kung ano talagang gusto mo kung let go ka ng let go.”
Totoo naman di ba? Ewan ko din kung bakit pero di talaga ako agree dun sa sinasabi nilang “If you love him, let him go.” HA? Eh love mo nga di ba, bat mo papakawalan? Kaya mo nga siya mahal kasi gusto mo siyang makasama, kaya mo siya mahal kasi gusto mo siyang maging sayo. Maling excuse yung let him go, let him go na yan. Maling mali.
Kung mahal mo talaga ang isang tao, learn to fight for it. Fight for your feelings, fight for your love, fight for him/her. Duwag ang mga taong hinahayaan na lang mawala ang taong alam nilang magpapasaya sa kanila. Duwag ang tawag sa taong pinapakawalan ang taong alam nilang kukumpleto sa pagkatao nila.
You only need to let go only if you know you already did everything yet he/she did nothing. Pakawalan mo na kung sa tingin mo lahat na ng paraan ginawa mo na pero siya, binalewala niya lang. Pag alam mong di ka nagkulang at alam mong sapat na ang lahat pero wala pa din, then let go. Hindi mo deserve ang isang taong di marunong mag appreciate ng mga bagay na ginagawa mo sa kanya, from the smallest risks to the big ones. Sayang lang ang panahon mo kung siya mismo, di naman niya makita lahat ng pinaghihirapan mo.
Let go if you know you already did your part, at least you’ve got no regrets in the end.
But if you know you’re both trying so hard to make it work, then go on. FIGHT FOR IT.


